March 30, 2022

Hope - Paano makatutulong sa taong nawalan ng pag-asa?

Paano makatutulong sa taong ‘nawalan ng pag-asa’?

by | March 30, 2022 | 0 comments

Pakikinig at pagbibigay ng mga positibong pahayag ang ilan sa mga susi para makatulong sa mga taong tila nawalan na ng pag-asa, ayon sa isang life coach.

Sa programang “Sakto” ng DZMM, nagbigay ng payo si Angelo “Boost Gio” Bañaga, na isa ring motivational speaker, para sa mga taong nais tumulong sa mga kakilalang may pinagdadaanang problema at mistulang wala nang pag-asa.

“Gusto lang naman ng karamihan ng may pinagdadaanan is may makinig sa kanila kasi minsan ‘di sila pinapakinggan ng family or friends nila,” sabi ni Bañaga.

Sa halip din daw na deretsong magbigay ng solusyon, mainam daw na pumulot ng mga tanong mula sa kuwento ng taong namomroblema hanggang sa makabuo ito ng solusyon sa problema nito.

“Ibabalik mo lang sa kaniya ‘yong kuwento para maramdaman noong tao na nakikinig ka talaga then afterwards magtanong ka lang ulit, tapos hayaan mo lumabas ‘yong solusyon na galing sa kaniya,” ani Bañaga.

Ipinayo rin ni Bañaga ang paggamit ng mga positibong salita para mapasigla ang pananaw ng taong may problema.

“‘Yong word na mga positive talaga to lift up ‘yong spirit niya,” aniya.

Base sa kaniyang karanasan bilang life coach, madalas daw na dahilan kung bakit nakararamdam ang mga tao, partikular ang mga kabataan, ng kawalan ng pag-asa ay pressure sa pag-aaral at mga kaibigan, at bullying o pang-aapi.

Huwag din daw pilitin ang mga tao na magkuwento ukol sa kanilang mga problema dahil mahalaga rin umano na ina-acknowledge o inaamin nila sa sarili na may problema sila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

<a href="https://coachboostgio.com/author/coach-boost-gio/" target="_self">Coach Boost Gio</a>

Coach Boost Gio

Author

As a compassionate motivational speaker specializing personal finance topics and game streamer, Boost Gio has positioned himself in a career that can be explained in one phrase: “serving others.” Devoted advocate for elders, and businessman/woman, He has given without counting the returns, since 2010. Supporting the less fortunate as volunteer. As well as organizing charity events to give value to them. Boost Gio is a certified life coach under The Life Coach Training Institute in Manila, Philippines. A satellite life coach training community from Dallas, Texas. As a life coach, he uses professional expertise and his personal experience from challenging situations in the past to boost elders and businessmen. Helping them leap from comfort zone to courage zone. He is committed to his clients’ personal and professional goals.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Other Posts

Pin It on Pinterest

Share This